Death Penalty para sa mga high level drug traffickers, may tyansang lumusot bago ang May 2019

Inamin ng liderato ng Senado na may tyansa pang lumusot sa Senado ang
panukalang Death penalty.

Pero ayon kay Senate majority leader Vicente Sotto,  ang maaring
maipasa lang ng Senado ay ang panukala na magpapataw ng parusang
kamatayan sa mga high level drug trafficking.

Kiumpirma ni Sotto na muling mag-uusap ang Senate sub-committee on
Justice and Human rights para pag usapan ang panukala.

pero mayorya sa mga senador ngayon ay pabor sa parusang bitay kung ito
ay may kinalaman lang sa drug trafficking pero hindi kasama ang mga
high crimes gaya ng rape at murder.

Pero kung hindi raw ito maipapasa bago ang May 2019, malabo na itong
maaprubahan sa susunod na Kongreso.

Dedepende umano  kasi ito sa magiging susunod na komposisyon ng Senado
lalu’t ang 12 Senador na maiiwan ay kilalang matindi ang
pagtutol sa Death penalty.

Pasado na sa Kamara ang Death penalty bill sa Kamara na kasama sa
prayoridad ng Duterte administration pero hindi pa ito umuusad sa
committee level ng Kamara.

Senador Sotto:
“Kung maipapasa ito, maipapasa before the elections in 2019. Kapag
hindi naipasa ng 2019 elections ito, tagilid ito. Ibig sabihin nun
‘yung 12 na maiiwan sa’min doon  sa tantya ko ay hindi pabor unless
‘yung mga papasok sa’min na bago ay solid na pro-death penalty saka
lang maipapasa after 2019 elections”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *