Death rate dahil sa Alzheimer’s disease, umakyat ng 55%
Tumaas ng 55 percent ang naitalang death rates sa mga pasyenteng may Alzheimer’s disease sa Amerika, batay sa inilabas na government report.
Sa datos na isinapubliko ng US Centers for Disease Control and Prevention, mula 1999 hanggang 2014, umakyat sa 25.4 percent ang morbidity at mortality rate sa mga pasyenteng may ADs.
“Millions of Americans and their family members are profoundly affected by Alzheimer’s disease,” -CDC Acting Director Anne Schuchat.
Lumabas din sa pag-aaral na malaking bilang sa naitalang Alzheimer’s deaths ay sa mga nursing homes at iba pang long-term care facility.
Ulat ni: Anabelle Surara
Please follow and like us: