Death toll sa mga bagyong Kristine at Leon, umakyat sa 150-NDRRMC

Sumampa pa sa 150 ang bilang ng mga namatay sanhi ng pananalasa ng mga bagyong Kristine at Leon.

Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) hanggang kaninang 8:00 ng umaga, nasa 29 indibidwal ang nawawala at 115 ang naiulat na nasugatan.

Samantala, umaabot naman sa 7,494,023 katao or 1,892,226 families mula sa 17 rehiyon ang naapektuhan ng kalamidad.

Mayorya sa mga naapektuhan ay mula sa Bicol region may 2,684,154 indibidwal, sinundan ng Central Luzon na may 1,092,750 at Calabarzon na may 752,793.

Mula sa nasabing bilang, 330,649 katao o 85,536 families ang nananatili sa evacuation centers habang nasa 429,483 individuals o 87,617 families ang nakikisilong sa ibang lugar o sa kanilang mga kaanak.

Sa ulat rin ng NDRRMC, nasa kabuuang 150,511 bahay ang napinsala kung saan nasa 139,571 partially damaged at nasa 10,940 ang totally damaged.

Pumalo naman sa P6,390,160,298 ang pinsala sa imprastraktura at P2,867,718,759 halaga naman ang napinsala sa agrikultura at nasa P32,620,000 naman ang halaga ng pinsala sa irigasyon.

TL

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *