Debate sa pagitan nina Pangulong Duterte at retired Supreme court Antonio Carpio sa isyu ng West Philippine Sea nangyayari na – Malakanyang
Naniniwala ang Malakanyang na nagaganap na ang debate sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Retired Supreme Court Justice Antonio Carpio sa isyu ng mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ang pagpapalitan ng opinyon at statement nina Pangulong Duterte at Justice Carpio sa usapin sa West Philippine Sea ay isang uri na ng informal debate.
Ayon kay Roque hindi uurungan ng Pangulo si Justice Carpio sa isang formal debate sa isyu ng West Philippine Sea.
Tinanggap naman ni Justice Carpio ang hamon ni Pangulong Duterte na debate sa mga pinagtatalunang teritoryo sa West Philippine Sea kung saan sinasabing mahina umano ang paninindigan ng administrasyon sa ginagawang pananakop ng China.
Vic Somintac