Debris ng nawawalang US military jet, natagpuan sa South Carolina

(FILES) A US Marine Corps F-35B Lightning II, a short takeoff and vertical landing (STOVL) version of the Joint Strike Fighter aircraft, flies past during a preview of the Singapore Airshow in Singapore on February 13, 2022. A stealth-capable US fighter jet vanished on September 17, 2023 — not from prying eyes but rather from the American military, prompting an unusual call to the public to help locate the missing multimillion-dollar plane. After what authorities labeled a “mishap,” a pilot flying an F-35 in the southern state of South Carolina on Sunday afternoon ejected from the craft. The pilot survived, but the military was left with an expensive problem: it couldn’t find the jet, leading Joint Base Charleston to ask for help from local residents. (Photo by Roslan RAHMAN / AFP)

Natagpuan na ang debris ng isang stealth jet na nawala makaraang mag-eject mula rito ang piloto, isang araw matapos kapwa umani ng pagkamangha at pagkutya ang kabiguang matunton ang $80 million aircraft.

Ang debris field mula sa F-35 ay natagpuan sa Williamsburg County, South Carolina, dalawang oras ang layo sa hilagang-silangan ng Joint Base Charleston (JBC).

Kaugnay nito ay pinayuhan ng mga opisyal ang mga residente sa komunidad na iwasan ang lugar na isi-secure ng recovery team.

Nang mawala ang jet sa South Carolina noong Linggo, naglabas ang JBC ng panawagan sa social media na humihiling sa sinumang may impormasyon tungkol dito na tawagan sila.

Lumitaw sa flight tracking sites ang ilang search aircraft na nakapokus sa isang makahoy at mahalamang lugar malapit sa Stuckey, na sakop ng Williamsburg County, na nasa 75 milya (120 kilometro) hilaga ng Charleston, nitong Lunes ng hapon.

Ang F-35 Lightning II jet ay hinahangaan ng mga kaalyado ng US sa buong mundo, lalo na ng Ukraine, dahil sa natatangi nitong hugis at kakayahang iwasan ang radar detection.

Sa hindi malamang dahilan, nag-eject ang piloto nito at ligtas na nag-parachute sa isang lugar sa North Charleston noong Linggo, at hinayaan ang jet na lumipad sa tinatawag ng ilan na “zombie state.”

Noong 1989 nag-eject sa Poland ang piloto ng isang nadiskaril na Soviet MiG-23, na nagpatuloy sa paglipad sa pamamagitan ng autopilot hanggang sa bumagsak ito sa Kortrijk, Belgium, higit 900 kilometro (560 milya) ang layo.

(FILES) A US Marine Corps F-35B Lightning II, a short takeoff and vertical landing (STOVL) version of the Joint Strike Fighter aircraft, flies past during a preview of the Singapore Airshow in Singapore on February 13, 2022. A stealth-capable US fighter jet vanished on September 17, 2023 — not from prying eyes but rather from the American military, prompting an unusual call to the public to help locate the missing multimillion-dollar plane. After what authorities labeled a “mishap,” a pilot flying an F-35 in the southern state of South Carolina on Sunday afternoon ejected from the craft. The pilot survived, but the military was left with an expensive problem: it couldn’t find the jet, leading Joint Base Charleston to ask for help from local residents. (Photo by Roslan RAHMAN / AFP)

Ang pagkawala ng naturang “highly advanced aircraft” ay nagbunga ng mga “hindi makapaniwalang” komento online.

Isa rito ay si Nancy Mace, miyembro ng kongreso na kumakatawan sa Charleston area.

Aniya, “How do you lose an F-35? How is there not a tracking device and we’re asking the public to what, find a jet and turn it in?”

May ilan na nag-post ng manipulated photographs ng lost signs sa mga puno, na nag-aalok ng rewards para hanapin ang nawawalang jet.

Ang nawawalang aircraft ay isang F-35B, isang variation na ino-operate ng Marines na mayroong short takeoff at vertical landing capabilities.

Dahil sa hugis ng airframe nito, kasama ang dalawang angled stabilizers sa likod, at special materials kaya mahirap itong i-detect ng tradisyunal na radar.

Sinabi ni JBC spokesman Jeremy Huggins, “The jet’s transponder was not working, and that its stealth capabilities added to the challenges of tracking it.”

Hindi bababa sa pitong F-35s ang nasira sa mga nakaraang insidente ng pagbagsak, sa iba’t ibang kadahilanan.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *