Decongestants, hindi dapat ipainom sa mga batang ang edad ay mababa sa 12 taong gulang – ayon sa mga pag aaral.
Uso ang pagkakaroon ng sipon, ubo at lagnat pag ganitong tag ulan.
Ngunit ang karaniwan ay ang pagkakaroon ng sipon.
Ayon sa mga eksperto, virus ang karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon, na kadalasang tumatagal ng pito hanggang 10 araw.
Karaniwang nararanasan ay hirap sa paghinga dahil sa baradong ilong.
Kaya naman, may mga agarang lunas na ginagawa ang marami lalo na sa panig ng mga magulang tulad ng pag inom ng decongestants.
Sa bagong pag aaral ng University of Queensland sa Brisbane, Australia, ang mga ganitong medikasyon ay maaaring hindi ligtas para sa mga edad 12 pababa.
Bukod sa congestants, lumabas din sa pag aaral na hindi mapabubuti o mapagagaan ng Antibiotics at Intranasal Corticosteroids ang nararanasang pagbabara ng ilong dahil sipon.
Payo ng mga eksperto, dagdagan ang pag inom ng tubig, magtakip ng ilong upang kapag bumahing ay hindi kumalat ang virus at hanggat maaari ay iwasan ang magtungo sa mga mga lugar na maraming tao katulad ng malls.
Ulat ni Belle Surara