Decongestants, mapanganib para sa mga batang edad 12 pababa – ayon sa pag aaral

Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik sa University of Queensland sa Brisbane, Australia, sinabi na hindi daw dapat  na umiinom ng Decongestants ang mga batang may edad 12 pababa.

Ayon sa mga eksperto, virus ang  karaniwang sanhi ng pagkakaroon ng sipon.

Kadalasang tumatagal  ito ng pito hanggang 10 araw,

Batay sa resulta ng ginawang pag aaral,  ang mga bata ay nakararanas ng colds nang anim hanggang walong beses sa isang taon, at ang matatanda ay dalawa hanggang apat.

Para sa mga edad 12 taong gulang pababa, ang pag-inom ng decongestants ay makatutulong upang mabawasan ang karaniwang sintomas ng sipon, tulad  ng pagbabara ng ilong.

Subalit para sa mga batang ang edad ay 12 pababa ang  mga ganitong medikasyon ay posibleng  mapanganib umano.

Sa pag aaral pa,  kahit na umano nakatutulong ang Vitamin C sa Immune system, hindi  100 porsyentong ito ay epektibo.

 

Ulat ni Belle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *