Deliberasyon ng 2024 proposed budget ng OVP agad na pinagtibay ng House Committe on Appropriations
Tulad ng nakagawian hindi na pinagtagal ng House Committee on Appropriations and budget deliberation ng Office of the Vice President na nagkakahalaga ng 2.3 bilyong piso at agad tinerminate ang budget briefing.
Si house senior majority leader Congressman Sandro Marcos ang naghain ng motion to terminate the budget deliberation ng OVP bilang pagsunod sa interparliamentary courtesy na hindi na bubusisiin pa sa committee level ang pondo ng co-equal branch at sa plenary na lamang gagawin ang pagtalakay for final approval.
Bagamat mahigpit na tinutulan ng minority block ang pagpapatupad ng interparliamentary courtesy sa budget ng Office of the Vice President walang nagawa ang mga ito ng idaan sa botohan dahil majority ng mga miyembro ng House Committee on Appropriations ay pinaboran ang motion ni Congressman Marcos.
“Play the part of voting for the termination of budget deliberation of the Office of the Vice President.” sabi pa ni Congressman Sandro Marcos
Nagpaabot naman ng pasasalamat sa House Committee on Appropriations ang Office of the Vice President dahil sa mabilis na paglusot ng kanilang budget.
Vic Somintac