Delivery riders sakop ng Labor Code – DOLE
Nilinaw ng Department of Labor and Employment na sakop ng Labor Code of the Philippines ang mga nasa food delivery at courier rider.
Sa isang Labor advisory, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III, na ang mga delivery rider na ikinukunsiderang empleyado ng mga digital platform company ay dapat makatanggap ng minimum benefits sa ilalim ng Labor Code of the Philippines.
Habang ang mga independent contractors o freelancers naman, ay sakop ng kung ano ang nakasaad sa kanilang kontrata o agreement sa isang digital platform company.
Ipinaliwanag ni Bello na ang existence ng employer-employee relationship sa pagitan ng delivery rider at digital platform company ay depende sa principle ng “primacy of facts”.
Ang lahat aniya ng delivery riders na empleyado ng digital platform company ay dapat ding tumanggap ng mga benepisyo gaya ng minimum wage, holiday pay, premium pay, overtime pay, night shift differential, service incentive leave, thirteenth-month pay, separation pay, at retirement pay.
Entitled rin sila sa SSS, PhilHealth, at Pag-IBIG at iba pang benepisyo na isinasaad ng batas.
Dapat ay may karapatan rin umano sa security of tenure, self-organization, at collective bargaining ang isang rider.
Para sa mga independent contractors o freelancer na rider naman, depende ito sa isinasaad ng kanilang kontrata.
Madz Moratillo