Delta variant nangunguna pa ring variant ng Covid-19 sa bansa; Mahigit 400 bagong Delta cases naitala sa bansa
Ang Delta variant pa rin ang nangungunang variant ng COVID-19 dito sa bansa.
Ayon kay Health Undersecretary Ma Rosario Vergeire, sa 14,517 samples na isinailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center 26.16% ang Delta variant.
Ang 22.78% naman dito ay Beta variant habang ang 20.22% naman ay Alpha variant.
Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nagsasagawa sila ng back tracing upang malaman kung kailan nagsimulang makapasok sa bansa ang Delta variant.
Sa 757 samples na sinuri ng PGC mula sa mga nakolekta noong Pebrero, Abril, Mayo, Agosto at hanggang ikalawang linggo nf Setyembre, may 411 delta variant ang natukoy.
Ang 99 naman ay Alpha at 78 ay Beta.
Madz Moratillo