Delta variant patuloy na naitatala-DOH
Patuloy paring nakakapagtala ng mga bagong kaso ng Delta ng COVID-19 sa bansa sa nagpapatuloy na sequencing ng Philippine Genome Center.
Sa datos ng Department of Health, may 119 na karagdagang kaso ng Delta variant ang naitala sa bansa.
Sa bilang na ito, 93 ang local cases, 20 ang Returning Overseas Filipinos, habang bineberipika naman ang 6.
Sa 93 local cases, 18 ang nasa National Capital Region, 14 ang sa CALABARZON, 18 sa Central Luzon, 31 sa Western Visayas, 8 sa Northern Mindanao, habang tig-iisa naman sa Central Visayas, Eastern Samar, Zamboanga Peninsula, at Cordillera Administrative Region.
Sa nasabing bilang, 118 ang nakarekober na habang inaalam ang kondisyon ng isa pa.
Sa kabuuan, umabot na sa 450 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa bansa na kumalat na sa lahat ng 17 lungsod at munisipalidad sa NCR.
Nakapagtala rin ng karagdagang 125 Alpha variant cases sa bansa, kung saan 115 rito ay local cases, 6 ang ROF, habang bineberipika naman ang 4.
Nakarekober naman na ang 122 sa kanila habang nasawi naman ang 3.
Sa kabuuan, may 2,093 Alpha variant cases na sa bansa.
May 94 bagong Beta variant cases rin ang naitala, kung saan ang 89 ang local cases, 3 ang ROF habang bineberipika naman ang 2.
Nasawi naman ang 7 sa kanila habang nakarekober na ang 87.
Sa kabuuan, umabot nasa 2,362 ang Beta variant cases na naitala sa bansa.
May 11 namang karagdagang P.3 o Philippine variant cases na natukoy ang PGC.
Pero lahat naman sila ay nakarekober na.
Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na kahit umiiral nag ECQ tuloy parin ang bakunahan mula A1 hanggang A5 priority group.
Madz Moratillo