Demand at presyo ng corgis na paboritong breed ng aso ni Queen Elizabeth II, tumaas makaraan ang kaniyang pagpanaw
Dumoble ang presyo ng corgis, ang asong paborito ng pumanaw na si Queen Elizabeth II, makaraan ang kaniyang libing noong isang linggo, ayon sa pinakamalaking marketplace ng UK.
Ayon sa Pets4Homes, “We are currently experiencing ‘over ten times the volume of daily searches for corgis when compared to this time last week.’ The prices asked for by registered corgi breeders have today hit a new high, with average asking prices doubling over the past three days.”
Sa unang pagkakataon, ang halaga sa ngayon ng corgi ay higit £2,500 ($2,678) na, nalampasan pa ang presyo nito sa panahon ng pandemya matapos na lubhang tumaas ang demand para sa mga aso.
Ang mga corgi ng reyna ang pinakamatapat nitong servant, kung saan nakasama niya ito ng halos isang siglo. Ang maliliit at sandy-coloured na corgi na may patulis na mga tenga, ay laging presente sa “queen’s court,” at laging nakasunod sa reyna at tampok sa mga opisyal na larawan.
Nabigyan din sila ng isang starring role sa spoof James Bond clip, na kinunan kasama ang reyna para sa opening ceremony ng 2012 London Olympics.
Itinigil na ng reyna ang pagpaparami sa kaniyang corgis sa kaniyang late 90s, para hindi maulila ang mga ito kapag siya ay wala na, subalit mayroon pa rin siyang inalagaang dalawang “dorgis,” na crossbreed ng dachshund at corgi para makasama niya sa mga huling taon ng kaniyang buhay.
Sinabi ni Mark Beazley, Kennel Club chief executive, “The queen was, amongst many things, a world-famous dog lover and really did symbolise the love and affection that our nation holds for their dogs. She was especially known for her Welsh Pembroke Corgis after being gifted her first Corgi, Susan, by her father, King George VI when she was eighteen.”
Ayon naman sa “Pets by Royal Appointment,” ng author na si Brian Hoey, isang libro tungkol sa British royal pets mula noong 16th century, “The queen was so fond of her corgis that she personally supervised their daily meal. The dogs’ dinners of fillet steak and chicken breast were prepared by a footman and served at 5:00 pm sharp every day, with the queen playing servant, pouring the gravy on the feast.”
© Agence France-Presse