Demand para sa mga mangagawang pinoy sa ibang bansa lumalakas pa
Lumalakas ngayon ang demand para sa mga mangagawang Pinoy sa ibang Bansa.
Katunayan sa pagdinig ng Senado, sinabi ni Secretary Toots Ople ng Department of Migrant Workers na nag reach out na sa Pilipinas ang mga bansang Portugal, Austria, Hungary, Croatia, at Romania para magkaroon ng bilateral labor agreement.
Pero pag-uusapan pa aniya kung anong mga trabaho ang aakma sa mga Pinoy, magkano ang itatakdang suweldo at ano ang lalamanin ng kontrata.
Ngayong taon inaayos na aniya ang bilateral labor relations para naman sa mga Overseas Filipinos Worker sa mga bansang Canada, Germany, Japan, Singapore at Saudi Arabia.
Personal na magtutungo si Ople sa Saudi Arabia sa Setyembre para ayusin ang kasunduan para sa pagpapadala ng mga karagdagang manggagawa doon.
Ang Saudi Arabia ay nangangailangan aniya ng constructions workers habang ang Singapore ay naghahanap ng karagdagang healthcare workers.
Pero may paalala ang kalihim sa mga kababayang pinoy na huwag agad-agad mag aplay o magtungo sa mga bansang ito dahil wala pang nabubuong kasunduan.
Kailangan aniyang matiyak muna na mapoproteksiyunan ang karapatan ng mga mangagawang pinoy bago ipadala sa naturang mga bansa.
Huwag din maniwala sa mga nakapost sa social media na nag aalok ng trabaho.
Maaari naman daw iverify kung legal o iligal ang recruitment sa pamamagitan ng kanilang hotline numbers na 722-11-44 at 722-11-55.
Meanne Corvera