Dengue cases sa bansa bumaba
Bumaba ng 16 porsyento ang kaso ng Dengue sa bansa.
Sa datos ng Department of Health, mula Enero 1 hanggang 13 ng 2024 nakapagtala ng 5,572 na kaso ng Dengue.
Mas mababa sa 7,274 cases na naitala noong Disyembre 17 hanggang 31 ng 2023.
Nakapagtala naman ng 14 na nasawi dahil sa dengue ngayong Enero lamang.
Nakitaan naman ng pagtaas ng mga kaso sa Caraga at SOCKSARGEN.
Paalala ng DOH sa publiko, para makaiwas sa dengue sundin ang 5S strategy.
Ito ang Search and destroy mosquito breeding sites, Self protection gaya ng paggamit ng insect repellants, Seek early consultation at support fogging, Spraying and misting sa hot spot areas at panghuli Sustain hydration.
Madelyn Villar -Moratillo