Dengue cases sa bansa tumaas simula noong Marso
Inihayag ng Department of Health (DOH), na tumaas ng 94% ang mga kaso ng dengue ng bansa simula sa huling linggo ng Marso, kumpara sa kaparehong peryodo noong isang taon.
Simula March 20 – April 30, o Morbidity Weeks 12 – 17, ang napaulat na dengue cases ay umabot sa 11,435. Ang bilang na ito ay 94% na mas mataas kaysa 5,901 mga kasong napaulat sa kaparehong panahon noong 2021.
Mula April 10 – May 7, 2022 naman ay mayroon ding napaulat na 6,622 dengue cases, na karamihan ay mula sa Region 9 (Zamboanga Peninsula) na may 14%, Region 7 (Central Visayas) 13% at Region 3 (Central Luzon) 9%.
Sinabi ng DOH na 908 dengue cases ang napaulat sa Zamboanga Peninsula, 881 cases mula sa Central Visayas, at 593 cases ay mula sa Central Luzon.
Ayon sa DOH . . . “Based on data gathered by the Epidemiology Bureau (EB), a six percent (6%) decrease has been recorded – from 27,010 last year, down to 25,268 this year for the said period. However, for March 20 to April 30, also known as Morbidity Weeks 12 to 17, the reported 11,435 dengue cases was 94% higher than the cases reported during the same specific time period in 2021 (5,901).”
Ipinaalala ng DOH sa publiko ang pangangailangang isagawa ang mga sumusunod na 4S behaviors, na kumakatawan sa mga sumusunod: Search and destroy breeding places, Secure self-protection, Seek early consultation, and Support fogging/spraying in hotspot areas.
Ang panahon ng tag-ulan ay maaari ring magpataas sa mga kaso ng dengue.
Ayon kay DOH undersecretary at spokesperson Dr. Maria Rosario Vergerie . . . “As the rainy season approaches, many diseases spread – and one of those is Dengue. We are taking proactive actions in preventing outbreaks and raising awareness to curb the increase in the number of cases. Rest assured that the DOH is closely monitoring every disease trend, and is well-prepared to respond to any healthcare aid any Juan or Juana may need.”
Paliwanag ng World Health Organization (WHO), ang dengue ay isang viral infection na naisasalin sa tao sa pamamagitan ng kagat ng infected na mga lamok. Pangunahing nagdadala ng dengue ay ang lamok na Aedes aegypti at maging ang Aedes aegypti albopictus.
Ayon sa WHO . . . “The virus responsible for causing dengue, is called dengue virus (DENV). There are four DENV serotypes and it is possible to be infected four times.”
Ang severe dengue rin ang pangunahing sanhi ng malubhang sakit at kamatayan sa ilang mga bansa sa Asya at Latin America.
Dagdag pa ng WHO . . . “There is no specific treatment for dengue/severe dengue. Early detection of disease progression associated with severe dengue, and access to proper medical care lowers fatality rates of severe dengue to below 1%.”