Dengue, fastest growing mosquito-borne disease sa buong mundo -WHO
Itinuturing ng World Health Organization o WHO ang dengue bilang fastest growing mosquito-borne disease sa buong mundo.
Ito ay dahil sa halos nasa apat na raang milyong katao ang dinadapuan ng nabanggit na sakit bawat taon.
ayon pa WHO, malaganap o kalat na rin ang dengue sa halos isang daang mga bansa, tulad ng Asya, Latin Amerika at Africa.
Batay sa datos ng Department of Health o DOH, mula Enero hanggang Setyembre nang nakalipas na taong 2017, limang daan at dalawamput anim na katao ang namatay dahil sa nasabing sakit.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang programa ng DOH laban sa dengue na tinawag na four “S” kontra dengue na ang kahulugan ay search and destroy o ang pagpuksa sa mga pinamumugaran ng lamok na naghahatid ng dengue, self protection measures o ang pagsusuot ng long sleeves, seek early consultation at say yes to fogging when there is outbreak o hot spot.
Ulat ni Belle Surara