Dengue vaccination drive, palalawigin ng DOH
Pinalawig pa ng Department of health ang anti-dengue vaccination program para sa mga Grade 4 student sa mga public school sa Cebu.
Ayon sa data ng Cebu Provincial Health Office may 9,137 kaso ng dengue na naiulat noong nakaraang taon.
Mas mataas ito kaysa sa 6,651 na kaso noong 2015.
Sasakupin ng vaccination program ang mahigit na 700,000 grade 4 students sa mga public schools sa Metro Manila, Central Luzon at Southern Tagalog.
Sinabi ni DOH Spokesman Eric Tayag, hindi masasama sa vaccination ang mga estudyanteng walang premise mula sa magulang.
Inilunsad ng DOH ang vaccination campaign para maiwasan ang pagkalat ng nasabing mosquito-borne disease.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo