Kapag sinabing dental plaque, ito ang latak sa ngipin.  Araw-araw, sanggol man, bata o matanda ay may latak dahil sa tayo ay kumakain. 

Si baby kapag uminom ng gatas at hindi napunasan ang ngipin nagkaka plaque o latak sa ngipin. Sinoman ay hindi makakaiwas sa problema sa dental plaque dahil araw-araw ay kumakain tayo.  

Bakit nagkakaron ng dental plaque? Dahil sa improper oral hygiene. Kapag sinabing improper oral hygiene, hindi nagsesepilyo ng ngipin, hindi nagmumumog, hindi rin nagpo-floss, kaya tumatagal ang latak sa bibig. 

Ang latak na ito ang nagiging tooth decay. Papasok sa gilagid at magiging gum disease. 

Kulay puti ang latak at habang tumatagal ay naninilaw hanggang sa mangitim. Paalala lang po pala, ‘yung mga kumain ng orange o uminom ng softdrinks, huwag munang magsepilyo agad ng ngipin dahil nagagasgas ang ngipin. Mas mabuti na magmumog. Ang latak ay nagko-cause ng amoy kaya pwedeng maging bad breath.

Ngayon, paano maaalis o matatanggal ang dental plaque o yung latak? Ang kailangan ay magpunta ka sa dentista.  Hindi dapat na balewalain dahil sinisira ng plaque ang enamel ng ngipin. 

‘Yun nga palang naninigarilyo, prone sila sa dental plaque. Kapag binalewala lang natin ito, ang plaque ay nagiging tartar. Nagcompile na ang latak, at darating ang panahon na uuga ang mga ngipin  dahil kinain na ang buto ng ngipin ng bakterya. 

Alam n’yo ba na ang pagpapabaya sa simpleng plaque ay maaaring magresulta sa matinding karamdaman? 

Madalas ko ng banggitin sa inyo na ang nguso ay may kinalaman sa puso.  Kaya nga ang mga cardiologist  bago operahan ang isang pasyente kailangan muna itong kumuha ng clearance sa kanyang denstista. Bakit kailangan ng clearance na walang tooth decay o gum disease ang pasyente? Kasi makakaapekto sa operasyon. Hindi po gagaling ang sakit sa puso kung may impeksyon sa nguso o bibig. 


Please follow and like us: