Dental Retainers
Pag-uusapan natin ngayon ang tungkol sa dental retainers, ano nga ba ito? Ito ay isang dental appliance na ginagamit para mapanatili ang posisyon ng ngipin lalo na’t gumamit ng braces.
Matapos na maalis o matanggal ang braces, kailangang magsuot ng retainers. May dalawang klase ang retainers, passive at active retainers. Pag sinabing passive retainer, hindi na gaanong gagalaw ang mga ngipin kapag tinanggal ang brace at ang purpose nito ay for retention. Mananatili sa posisyon ang mga ngipin na corrected na.
Ang passive retainer ay isinusuot o ginagamit ng 12-18 months. Kapag hindi nagsuot ng retainers, malaki ang posibilidad na bumalik sa dati ang mga ngipin,
Ang active retainer naman, ginagamit sa mga simpleng kaso, pwedeng may isang ngipin na di maganda ang posisyon, active retainer ang isusuot. Normally, isinusuot ito ng 6 months. Isinusuot din ito kung may awang na maliit ang ngipin, o naka protrude ang ngipin ng bahagya, pwedeng ipasok ang ngipin na hindi na kakailanganin na mag-brace sa halip ay active retainer ang isusuot.
Mahalagang tandaan na hindi dapat na magsuot ng retainers kung walang advise o prescription mula sa dentista,
Ang retainer ay solusyon sa problema at hindi pang fashion.
Marahil ay natatandaan pa ninyo na naging trending ang pagsusoot ng retainer, bata, matanda, naka-retainer.
Paalala po na kung nagsusuot ng retainer na ang dahilan ay para makasunod lang sa fashion o dahil sa uso, kung one year kang naka-retainer ang magiging side effect nito ay problema sa gums.
Maaaring ma-trauma ang mga ngipin. Kapag ganito sa halip na ang retainer ay for retention, magreresulta ito sa pagkakasakit, dahil apektado ang dental health.