Department of Agriculture Calabarzon inilunsad ang Kadiwa ni Ani at Kita Community Pantry sa Lipa City Batangas.
Nasa 200 mga indigent resident mula sa apat na brgy. sa Lipa City Batangas ang nakatanggap ng mga agricultural products mula sa Dept of Agriculture Calabarzon pamamagitan ng inilunsad nitong Kadiwa ni Ani at Kita Community Pantry.
Isinagawa ito sa Lipa City Agricultural Research and Experiment Station ng Dept. of Agriculture Region 4a.
Ang mga indigent resident ay tumanggap ng bigas, mga gulay at de-lata mula sa ahensya.
Layunin ng ahensya na makatulong ito sa mga residente sa Lipa Batangas na tuwirang nangangailangan lalo na ang mga patuloy na naapektuhan ng Covid 19 pandemic.
Kita naman sa kanilang mga kalooban ang kasiyahan sa tulong na kanilang natanggap mula sa ahensya.
Samantala, ang mga bigas at gulay naman na ipinamahagi sa mga indigent residents sa lungsod ay mula sa mga produktong inani ng mga magsasaka sa batangas province na binili ng D.A region 4a.