Department of Agriculture inatasang ipamahagi na ang ayuda sa mga magsasaka
Kinakalampag ni Senador Imee Marcos ang Department of Agriculture na bilisan ang pamamahagi ng limang libong pisong ayuda sa mga magsasaka.
Ayon kay Marcos,nakatanggap siya ng impormasyon na hindi pa inilalabas ng Landbank ang pondo lalo na sa Ilocos Region at Cagayan Valley dahil may request umano ang DA na magkaroon muna ng intervention monitoring card na siyang gagamitin sa pamamahagi ng ayuda.
Kuwestiyon ng Senador, bakit kailangan pa ang monitoring card samantalang may listahan na ang DA ng aabot sa 1.6 million rice farmers.
Nangangamba si Marcos na mauwi na naman sa time deposit ang siyam na bilyong pisong pondo kapag hindi naipamahagi lalo’t apat na buwan na lang matatapos na ang taon.
Iginiit pa ng Senador na ngayon ang tamang panahon para ipamahagi ang pondo dahil nagsimula na muli ang planting season.
Meanne Corvera