Department of Agriculture , maglalabas ng bagong SRP ng kada kilo ng sibuyas pagdating ng 21,000 metric tons ng imported onions
Babaguhin ng Department of Agriculture o DA ang Suggested Retail Price o SRP ng kada kilo ng sibuyas na nasa 250 pesos ang kada kilo.
Sinabi ni Agriculture Deputy Spokesman Assistant Secretary Rex Estoperez pagdating ng 21 thousand metric tons ng inangkat na sibuyas mula sa ibang bansa ay ibababa sa 100 hanggang 150 pesos ang kada kilo ng sibuyas sa palengke.
Ayon kay Estoperez hanggang January 27 inaasahang darating sa bansa ang imported na sibuyas.
Inihayag ni Estoperez napilitan ang bansa na umangkat ng sibuyas para madagdagan ang supply sa merkado at mapababa ang presyo na umabot sa mahigit 600 pesos ang kada kilo.
Niliwanag ni Estoperez na hindi muna mag-aangkat ng sibuyas ang gobyerno kapag mag-aani na ang mga lokal na magsasaka sa buwan ng Pebrero.
Umaasa ang DA na tuluyan ng bababa ang presyo ng sibuyas kapag inani na ang mga pananim ng mga lokal na magsasaka.
Vic Somintac