Department of Education, hindi pa handa sa pagbubukas ng klase sa Agosto

 

Hindi pa handa ang Department of Education sa pagbubukas ng klase sa mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa sa Agosto.

Ito ang lumitaw sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education matapos ang ginawang pagdinig kaugnay ng epekto ng Covid pandemic sa sektor ng edukasyon.

Katunayan, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Komite, inamin ng Deped na sa may mahigit isang milyong guro sa buong bansa, 15 percent lang sa mga ito ang may training sa online teaching.

Marami sa kanila walang laptop o internet connections kaya hindi pasok sa planong online o virtual learning.

Sa plano kasi ng Deped babawasan ang face to face teaching sa halip ay gagawin nang online ang paraan ng pagtuturo para maiwasan ang human transmission ng virus.

Sa computations ng Deped, aabot sa 550 billion pesos ang kakailanganin para tustusan ang mga online materials ng mga guro sa buong bansa

Pero hindi na umano kailangang magpa sa ng supplemental budget para dito dahil binigyan naman ng kapangyarihan ng Kongreso ang Pangulo para mag re-align ng pondo.

Ulat ni Meanne Corvera

 

 

Please follow and like us: