Department of Health, nagbabala sa publiko kaugnay ng Leptospirosis

 

Dadami pa umano ang dadapuan ng Leptospirosis sa linggong ito   dahil sa  naganap na  pagbaha sa nakalipas na linggo.

Ito ang sinabi ng Department of Health o DOH, kaugnay ng insidente ng Leptospirors sa bansa.

Ayon sa DOH, ang mga kababayan nating lumusong sa baha sa nakalipas na linggo ay magsisimulang makaranas ng mga sintomas tulad ng mataas na lagnat, pananakit ng muscles,  pamumula ng mta at  matinding sakit ng ulo.

Batay sa datos ng DOH, sa nakalipas na anim na buwan,  nasa isang 1,033  kaso ng naturang sakit ang  naitala nila at sa bilang na ito, 93 na ang namatay.

Pahayag pa ng DOH, karamihan umano sa mga kaso na na i report sa kanila ay  mula sa Western Visayas, Caraga region  at Davao region.

Payo ng DOH, kapag lumusong sa baha, magtungo na agad sa health center o sa ospital upang mabigyan ng gamot laban sa leptospirosis.

 

Ulat ni Belle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *