Department of Water Resources, isusulong ng Kamara sa 19th Congress regular session
Sa harap ng nararanasang krisis sa tubig, kailangan na ang paglikha ng Department of Water Resources (DWR ) na direktang mangangasiwa sa water management sa bansa.
Ayon kay House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda, sa pagbubukas ng second regular session ng Kongreso, tatapusin na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa paglikha ng DWR.
Sinabi ni Congressman Salceda, hindi pa rin nabibigyan ng solusyon ang dekada nang problema ng bansa sa suplay ng tubig.
“that’s why we need the department of water resources. Many people don’t get it. It’s not just another new agency. It’s an institutional solution to a decades-old problem of treating water resources as a peripheral and dispersed concern for government “ ani Salceda.
Dagdag ng mambabatas na sa sandaling maitatag ang DWR, mayroon nang tututok sa problema sa water management para sa household consumption at irrigation na ginagamit sa agriculture for food production.
Niliwanag din ni Salceda, dapat samantalahin ng Kongreso ang pagkakataon matapos ipag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahanap ng solusyon sa kakulangan ng tubig ngayong panahon ng El Niño.
Vic Somintac