DepEd : “ All systems go “ na sa pagbubukas ng klase sa Oktubre 5, 2020
Handang-handa na ang Department of Education ( DepEd ) sa pagbubukas ng klase sa darating na Oktubre 5 para sa School Year 2020-2021.
Ayon sa DepED, wala na silang nakikitang problema para ipagpaliban ito.
Nagsimula na ang kanilang pamamahagi ng learning materials at umaabot na sa 25,000 mula sa 42,000 na mga pampublikong eskwelahan sa buong bansa ang nakapagbigay ng mga printing modules.
Bukod dito, natapos na rin anila ang dry run ng may mahigit tatlumpung libong mga paaralan.
Kasama sa kanilang dry run kung paano ang magiging context ng home based learning at ang pagsasagawa ng flag raising ceremony.
Sinabi pa ng Deped na tuloy pa rin ang feeding program sa mga estudyanteng malnourished at mga batang stunted.
Pero paglilinaw ng Kagawaran, dahil wala nang face-to- face learning, hindi na magluluto ng hot meals para sa mga bata sa halip isusuplay na lang ang pagkain sa bahay ng mga batang nasasakop ng programa.
Kasama na rito ang lahat ng Kindergarten pupils ngayong pasukan at mga estudyante na natukoy na payat at malnourished noong nakaraang school year.