DepEd bumuo ng task force para tulungan ang mga guro at staff sa May 2022 elections

Photo: deped.gov.ph

Bumuo ang Department of Education (DepEd) ng isang task force upang tulungan ang mga guro at personnel sa kanilang mga gampanin sa panahon ng May 9 elections.

Ang DepEd Elections Task Force (ETF) Operation and Monitoring Center na mangunguna sa pagsisikap ng ahensiya na tulungan ang Commission on Elections na tiyakin ang malaya, maayos, tapat, payapa at mapagkakatiwalaang halalan, ay binuo sa pamamagitan ng DepEd Memorandum No. 10, s. 2022.

Sinabi ng ahensiya na itinalaga nito ang mga undersecretary na sina Alain Pascua at Revsee Escobedo bilang DepEd ETF Operations and Monitoring Center chairman at vice chairman.

Ang DepEd ETF ay ilalagay sa Bulwagan ng Karunungan, DepEd Central Office sa Pasig City mula May 8-10, at bukas mula ala una hanggang ala singko ng hapon.

Binibigyan din ng awtorisasyon ang lahat ng regional at schools/city division offices, na magtatag ng kani-kaniyang ETF Operations and Monitoring Centers sa kaparehong schedule.

Ang overtime pay o honoraria ay ipagkakaloob sa mga sasama sa task force, depende sa pagkakaroon ng pondo at umiiral na auditing rules and regulations, gayundin sa mga kaukulang batas ng Civil Service.

Please follow and like us: