Deped, hinimok na direktang bumili ng bigas sa mga magsasaka para sa kanilang Feeding program
Hinimok ni Senador Francis Pangilinan ang Department of Education na direktang bumili ng bigas at iba pang pagkain sa mga magsasaka para sa kanilang feeding program ngayong opisyal nang nagsimula ang klase.
Ayon kay Pangilinan, aabot sa 5. 9 billion pesos ang pondo ng Deped para sa pambili ng pagkain at gatas para sa mga estudyanteng nasa Kindergarten at mga malnourished at stunted.
Hiniling na ng Senador kay Deped secretary Leonor Briones na makipag- ugnayan kay Agriculture secretary William Dar para matiyak na mabibigyan ng masustansyang pagkain at gatas ang mga bata.
Malaking tulong rin aniya ito para mapataas ang kita ng mga magsasaka at mga mangingisda lalo na ngayong may pandemya kung saan marami sa kanila ang nawalan ng kabuhayan.
Hiniling ng Senador sa Deped na magkaroon na ng karagdagang operational guidelines para sa direktang pagbili ng masustansyang pagkain at mapabilis ang kanilang proseso hinggil dito.
Senador Francis Pangilinan:
“There should be measures in place for the millions of learners who did not enroll for the coming school year but are possible beneficiaries of the feeding program. We note from the national enrollment data submitted by DepEd that more than 3 million learners did not enroll for SY 2020-2021. Di lang mawawalan ng pagkakataong matuto Itong 3 milyong mag-aaral, malamang ay pinaka-apektado rin ang kanilang pamilya sa pandemya at nawalan ng trabaho, naghihirap at nakakaranas ng gutom”.
Meanne Corvera