DepEd inaaral na ang transition plan para sa mga eskuwelahan na nasa 14 na barangay sa EMBO
Pinag-aaralan na ng Department of Education ang magiging plano para sa transition ng mga paaralang sakop ng 14 na barangay sa EMBO na dating nasa Makati at ngayo’y nasa Taguig na.
Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, kasunod na rin ito ng desisyon ng Korte Suprema sa territorial dispute ng dalawang lungsod.
Ilan sa kailangan aniyang maresolba ay kung sino ang magbabayad sa utilities at security ng mga paaralan maging sa iba pang gastusin.
Pero habang wala pang pinal na plano, ang DepEd muna ang aako ng operating expenses ng mga apektadong paaralan.
Una rito ay iginiit ni Makati City Mayor Abi Binay na dapat bayaran ng Taguig LGU ang gusali ng mga paaralan sa EMBO.
Nagkakaroon naman ng kalituhan sa ilang guro sa mga apektadong paralan.
Ayon sa ilan, dapat ay mag hands-off na si Binay lalo at may order na rin ang DepEd.
May ilang guro ang nagpaabot ng paglabag ng Makati sa DepEd order gaya sa Pitogo High School na hindi tinanggap ang school supplies na ipinadala ng Makati dahil baka malabag nila ang DepEd order.
Madelyn Moratillo