DepEd kinastigo sa Senado dahil sa pagbibigay ng laptop sa mga Regional director sa halip na sa mga mahihirap na guro
Kinastigo ni Senador Alan Peter Cayetano ang Department of Education sa pamamahagi ng mga laptop sa mga guro.
Ayon sa Senador, hindi nasunod ang layon ng bayanihan law na mabigyan ng laptop ang mga guro na mahihirap at nasa malalayong mga probinsya.
Katunayan sa pagdinig ng senado, sinabi ng Senador na inuna pang bigyan ng gadgets ang mga regional director at mga guro sa mga mayayamang siyudad na may kakayahan namang bumili ng laptop.
Labag aniya ito sa batas dahil hindi ito nakalagay sa procurement distribution.
Batay sa itinatakda ng bayanihan law, bibigyan ng laptop ang mga guro na nasa mahihirap na komunidad para sa blended learning sa kasagsagan ng pandemya.
Meanne Corvera