DepEd Masinloc District, pinagkalooban ng mga tablet, solar powered transistor radio at copier mula sa pamahalaang bayan ng Masinloc

Namahagi ng mga solar-powered transistor radio, tablet at copier ang pamahalaang bayan ng Masinloc, para sa mga mag-aaral ng kindergarten at Grade I sa mga pampublikong paaralan.

Tinanggap ito ng DepEd Masinloc District sa  pangunguna ni Ms. Connie Peñalosa, at sinaksihan ni Dr. Leonardo Zapanta, School Division Superintendent ng Zambales, kasalukuyang alkalde ng Masinloc na si Mayor Senyang Jalata Lim at mga punong guro.

Layunin ng proyektong ito na alalayan ang mga mag-aaral para magkaroon ng magandang edukasyon, at makaagapay sa takbo ng makabagong teknolohiya laluna ngayong may pandemya.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga kinauukulan sa tinanggap na tulong mula sa pamahalaang lungsod ng Masinloc.

Ulat ni Jocelyn Montano

Please follow and like us: