DepEd, nais palagyan ng safety seal ang mga eskuwelahan
Sinabi ni Department of Education (DepEd) Planning Service Director Roger Masapol, na nais ng kagawaran na lagyan ng safety seal ang mga eskuwelahan.
Ayon kay Masapol, ang pagkakaroon ng safety seal ay patunay na nakasunod ang mga paaralan sa health at safety protocols.
Aniya . . . “Iyong pagbibigay ng safety seal ay gagawin natin ito para ipakita na ang school natin, kahit hindi pa sila magpa-pilot (in-person classes), ay ready na sa next phase, iyong expansion.”
Nilinaw din ng opisyal na hindi lahat ng bibigyan ng safery seal ay magsasagawa ng limited face-to-face classes, na nakatakdang simulan sa mga pampublikong paaralan sa November 15.
Sa November 22 naman sisimulan ang face-to-face classes sa mga pribadong eskuwelahan.