DepEd Secretary at VP Sara, tiniyak sa budget hearing ng Kamara na nananatiling ligtas ang mga estudyante sa COVID-19 sa pagpapatupad ng face to face classes
Tiniyak ni Vice President at Department of Education o DepEd Secretary Sara Duterte, na nananatiling ligtas ang mga mag-aaral laban sa COVID-19 sa pagpapatupad ng face to face classes sa buong bansa.
Ito ang inihayag ni Vice President Duterte sa pagsalang sa House Committee on Appropriations ng 710 billion pesos proposed budget ng DepEd.
Ayon kay VP Sara, patuloy ang koordinasyon ng DepEd sa Department of Health o DOH upang mapabilis ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga school personnel at estudyante ngunit walang diskriminasyon anoman ang vaccination status.
Binigyang diin ni VP Sara sa mga kongresista na balik face to face classes na ang direksyon ng DepEd, maliban na lamang sa blended learning modality para sa unique situations.
Isa naman sa tututukan ng DepEd ay ang learning recovery efforts dahil batay sa report ng international education monitoring, ay nahuhuli ang mga Pilipinong mag-aaral mula sa Grades 4, 5 at 9 sa pag-intindi sa mga simple math problems, science concepts at reading comprehension.
Inihayag ni VP Sara na kailangang harapin ang problema upang matugunan ang poor performance ng mga pilipong mag-aaral.
Niliwanag ni VP Sara na ang basic Education Development Plan 2030 ang magiging gabay ng DepEd sa pagpapatupad ng mga polisiya sa pagpapabuti ng edukasyon sa bansa.
Vic Somintac