Depektibong balota na naimprenta para sa May 9 elections umabot na sa mahigit 200,000
Mahigit 224,000 ang bilang ng depektibong balota para sa May 9 elections ang naimprenta sa National Printing Office.
Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, ang lahat ng depektibong balota ay itatabi muna.
Sa oras na matapos na ang kabuuan ng printing activity sa NPO saka aniya susunugin ang mga ito sa harap ng mga kinatawan ng political parties, media at iba pang election stakeholders.
Muli namang mag- iimprenta para sa mga balotang nakitaan ng depekto.
Una rito, nitong weekend inanunsyo ng poll body na natapos na ng NPO ang pag-imprenta sa 67.4 milyong balota para sa May 9 elections.
Pero hindi pa tapos ang trabaho sa NPO dahil kailangan namang mag-imprenta ng mga balotang gagamitin para sa Final Testing and sealing.
Madz Moratillo