Deployment ng Navy sa Scarborough, hindi itinuloy para hindi sumama ang loob ng China

 

Ibinunyag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na binawi niya ang planong pagtalaga ng Philippine Navy contingent sa Scarborough Shoal noong July 2016 kasunod ng paborableng ruling ng United Nations Permanent court of arbitration na napapawalang bisa sa pag-angkin ng China sa South China Sea.

Ayon kay Lorenzana, nagdesisyon siyang huwag ituloy ang deployment ng tropa ng gobyerno matapos magsabi noon si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga gabinete na huwag pasamain ang loob ng China.

Sa forum ukol sa Maritime disputes sa South China sea, sinabi ng kalihim na pinag-isipan niyang magpadala ng mga miyembro ng Navy sa Scarborough Shoal dahil sa panalo ng Pilipinas sa kaso laban sa China sa naturang un-court na naka-base sa The Hague.

Isang linggo aniya bago ang ruling ay sinabihan siya ni US Defense Sec. Robert Gates na paborable sa Pilipinas ang lalabas na desisyon ng UN kaya sinabihan niya ang Philippine Navy sa posibleng pagpapadala ng maliit na puwersa sa Scarborough Shoal.

Nasa pulong anya sila nang ianunsyo ang desisyon at sinabihan sila ng Pangulo na huwag silang masyadong magdiwang dahil baka maka-offend ito sa China.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *