Deployment ng Russian mercenaries, pinabulaanan ng Mali
Pinabulaanan ng gobyerno ng Mali, ang alinmang deployment ng Russian mercenaries mula sa Wagner group, kasunod ng paratang ng isang grupo ng 15 Western powers na sangkot sa pakikipaglaban sa jihadists sa Sahel country.
Sa pahayag na inilabas nakasaad na pormal na itinanggi ng gobyerno ang walang basehang mga alegasyon ng umano’y deployments ng mga elemento sa Mali mula sa isang private security company.
Kaugnay nito ay humingi ang Mali government ng pruweba mula sa independent sources at sinabing ang “Russian trainers” ay nasa Mali bilang bahagi ng pagpapalakas sa operational capacity ng national defence at security forces.
Sinasabi sa pahayag na nilagdaan ng government spokesman na si Colonel Abdoulaye Maiga, na ang Bamako ay involved lang sa isang “state-to-state partnership” sa Russian Federation na “historical partner” partner nito.
Matatandaan na nitong Huwebes, isang grupo ng 15 Western powers ang nagpahayag ng galit na ang Russian mercenaries na nagtatrabaho para sa kontrobersiyal na Wagner group, ay nagsimula nang i-deploy sa Mali at inakusahan ang Moscow ng pagbibigay ng “material backing” para sa mga fighter.
Ayon sa mga bansang sangkot sa pakikipag-digma laban sa isang jihadist insurgency sa Mali, na kinabibilangan ng Canada, Germany, France at Britain, matindi nilang kinokondena ang deployment ng mercenary troops sa Malian territory.
Anila . . . “We are aware of the involvement of the Russian Federation government in providing material support to the deployment of the Wagner group in Mali and call on Russia to revert to a responsible and constructive behaviour in the region.”
Iyon ang unang “official acknowledgements’ ng Western capitals na nagsimula na ang deployment ng fighters sa Mali, makaraan ang ilan buwan nang babala sa Bamako government. (AFP)