Deposits tumaas ng 8.1% sa pagtatapos ng Agosto

Mas marami pa ring Pinoy ang pinipiling ilagak ang kanilang salapi sa mga bangko, katunayan ay lumago ito ng 8.1% o 12.1 trillion pesos sa pagtatapos ng Agosto ngayong taon.

Sa report ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang deposit base ng banking industry ay binubuo ng 5.98 trillion pesos sa savings deposits, 4.02 trillion pesos sa demand deposits at 2.13 trillion pesos sa time deposits.

Ayon sa central bank, pangunahin pa ring pinanggagalingan ng pondo para sa banking system ang savings deposits.

Sinabi pa ng BSP, na tumaas din maging ang foreign currency deposits ng mga residente ng 2.5% o 2.1 trillion pesos sa pagtatapos ng Agosto.

Bilang resulta, ang kabuuang assets ng mga bangko sa Pilipinas ay tumaas ng 7.3% o 20.6 trillion pesos sa pagtatapos ng Agosto mula sa 19.2 trillion pesos sa kaparehong peryodo noong nakaraang taon.

Ayon pa sa BSP, ang banking system assets at deposits ay patuloy ang paglago sa kabila ng pandemya.

Please follow and like us: