Dept. of Agriculture: Mga magsasaka at mangingisda sa malalayong lugar, makatatanggap rin ng tulong
Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mabibigyan nila ng tulong ang mga magsasaka’t mangingisda na nasa malalayong lugar.
Ayon kay Agriculture secretary William Dar, patuloy ang isinasagawa ng ahensya na pagbibigay ng 5,000 pisong cash assistance sa mga magsasaka na mula sa Rice Farmers financial assistance at Financial support to Rice farmers program ng pamahalaan.
Halos nasa 1,200,000 magsasaka sa 57 lalawigan na aniya ang nakinabang sa naturang programa.
Kwalipikadong tumanggap ng ayuda ang mga magsasakang may kalahati hanggang isang ektaryang lupang sakahan at yung mga rehistrado sa Farmer’s registry o RSBSA.
Ginagawa aniya ng DA ang lahat upang mapabilis ang pamamahagi ng mga ayuda sa lahat ng target beneficiaries, lalo na yung mga nasa mga malalayong lugar.
Ulat ni Belle Surara