Dept. of Agriculture Reg. 4a mamamahagi ng mga libreng binhi ng palay sa mga magsasaka sa Quezon Province.

Inihahanda na ng Dept. of Agriculture Region 4a ang isasagawa nitong pamamahagi ng mga libreng binhi ng palay mula sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Seed Program ng ahensya. 

courtesy of Dept. of Agri. Reg. 4a


Ito ay para ipakita ng ahensya sa mga magsasaka sa rehiyon ang patuloy na suporta lalo na sa mga magsasaka sa Quezon province ngayong malapit nang muli ang panahon ng tag-ulan.


Kabilang sa mga bayan na makatatanggap ng libreng binhi ay ang General Nakar- 400 bags, San Antonio- 712 bags, Tiaong- 200 bags, Pagbilao- 528 bags, Tayabas- 494 bags, San Andres- 300 bags, San Francisco- 650 bags, Real- 210 bags.


Inaabisuhan naman ang mga magsasaka sa lalawigan na makipag ugnayan sa kani-kanilanf Municipal Agriculture Office sa bawat lugar at antayin ang iskedyul ng pamamahagi ng mga binhi sa bawat bayan.

Please follow and like us: