Dept. of Agriculture Region Calabarzon muling namahagi ng financial assistance para sa 95 mga hog raiser na naapektuhan ng ASF sa Rizal Province


Muling namahagi ng Financial aid ang Dept. of Agriculture Calabarzon sa mga hog raiser sa Rizal province na naapektuhan pa rin ng ASF ang kanilang mga alagang baboy. 
Nasa 95 mga hog raiser mula sa mga bayan ng Baras, Cardona, Morong, at Tanay, ang nabigyan ng tig-5 thousand pesos na bayad-pinsala sa kada baboy na kanilang isinuko sa D.A.
Tinataya namang umabot na sa P3.25 milyon ang naipamahagi sa mga hog raiser sa pangunguna ng Regional Livestock Program at Agricultural Program Coordinating Office ng Rizal province.
Nagpapasalamat ang mga hog raiser sa natanggap nilang financial aid mula sa D.A calabarzon dahil sa pamamagitan ng tulong na ito ay makapagsiaimulang muli ang mga ito ng bagong pagkakakitaan.

photo courtesy: Sonny “Boy” Aquino

Please follow and like us: