DTI, may diskwento Caravan sa mga lugar na naapektuhan ng bagyong “Rolly”

Magsasagawa ng Diskuwento Caravan ang Department of Trade and Industry o DTI sa mga lugar na higit na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong rolly nitong nagdaang weekend. 


Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa dalawa hanggang tatlong local government units (LGUs) ang ilalagay nilang Caravan para sa mga consumer na naapektuhan ng bagyo upang makabili sila ng mga pangunahing pangangailangan sa mas murang halaga.


Tiniyak din ni Lopez na sapat ang mga suplay ng mga prime commodities para sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad.
Sinabi pa ni Lopez na nakahanda din ang DTI na magbigay ng mga livelihood kits para sa mga naapektuhan negosyo dahil sa bagyo.


Isa dito ay ang Microfinancing facility na maaari rin umanong mapakinabangan ng mga apektadong negosyante na napinsala ang kabuhayan dahil sa kalamidad.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: