Desisyon na sibakin si Overall Deputy Ombudsman Carandang, maaari pang iapela
Hindi pa bubuksan ng Judicial and Bar Council ang aplikasyon at nominasyon para sa posisyon ng Overall Deputy Ombudsman.
Ito ay kahit pinagtibay ng Malacañang ang pagsibak nito kay Overall Deputy Ombudsman Melchor Arthur Carandang sa posisyon matapos ibasura ang motion for reconsideration nito.
Paliwanag ni Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi pa pinal at maari pang iapela ni Carandang ang desisyon ng Office of the President.
Sa ilalim ng Rules of Court, maaring iapela sa Korte Suprema o Court of Appeals ang mga administrative rulings ng Office of the President.
Nasa kamay din ni Ombudsman Samuel Martires kung agad nitong ipatutupad ang pasya ng Office of the President.
Sinibak ng Palasyo si Carandang dahil sa paghahayag nito sa media ng ginawang imbestigasyon ng Ombudsman ukol sa
sinasabing nakaw na yaman ni Pangulong Duterte at ng pamilya nito.
Ulat ni Moira Encina