Desisyon ng IATF na payagang lumabas ang mga bata, ipinarerekonsidera
Ipinarerekonsidera ni Senador Bong Go sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang desisyon nitong payagang makalabas ang mga batang may edad 10 hanggang 14 sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Iginiit ni Go na delikado pa ang sitwasyon at patuloy pa ring tumataas ang akso ng nahahawaan ng Covid-19 Pandemic.
Katunayam, sa datos aniya ng Department of Health (DOH), tatlo sa 16 na bagong kaso ng Covid-19 ay nasa edad na 18 pababa.
Mas delikado aniya na kumalat ang virus sa mga bata dahil malilikot ang mga ito at hindi minsan makontrol ng mga magulang kung saan-saan humahawak.
Wala naman aniyang dahilan para magmadali sa pagluluwag ng restrictions partikular sa mga bata.
Paalala ng Senador na sa huling linggo pa ng Pebrero darating ang bakuna sa bansa at dito pa lamang malalaman kung matitigil na ang pagkalat ng Pandemya.
Meanne Corvera