Desisyon ng Kamara na bigyan ng ₱1,000 budget ang CHR, kinondena ng mga Senador
Kinondena ng mga Senador ang desisyon ng Kamara na bigyan ng isang libong pisong budget ang Commission on Human Rights.
Kapwa tiniyak nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senador Francis Escudero na ilalaban nilang maibalik ang orihinal na budget ng CHR oras na isalang ang panukalang budget para sa 2018 sa plenaryo at bicameral conference committee.
Iginiit ng mga Senador na ang CHR ay isang constitutional body na binigyan ng mandato ng saligang batas para protektahan ang human rights kaya may karapatan itong mabigyan ng sapat na resources at imbestigahan ang mga kaso ng extra judicial killings.
Sinabi ni Senador Panfilo Lacson, aprubado na sa kanyang komite ang 678 million na budget ng CHR pero hinihintay pa ang bersyon mula sa Kamara.
Pagtiyak ni Lacson, bubusisiing mabuti kung paano tinapyas ang pondo at ano ang naging basehan sa pagbibigay ng isang libong pisong budget.
Ulat ni: Mean Corvera