Desisyon ng Korte Suprema sa Quo warranto petition laban kay CJ Sereno, malaking ginhawa para sa House committee on Justice

Malaking kaginhawaan para sa House Committee on Justice ang naging pagpabor ng Korte Suprema sa inihaing Quo Warranto petition laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Hindi rin pinanghihinayangan ni Justice Committee chairman Cong. Reynaldo Umali na hindi na hahantong pa sa impeachment hearing ang kaso ng Punong Mahistrado dahil pareho lang naman aniya ang resulta nito at ng Quo warranto petition at ito ay upang alisin sa puwesto si Sereno.

Binigyang-diin ni Umali sa panayam ng Agila Balita na nagbunga at hindi nasayang ang effort ng kanilang komite.

“Kami po ay muli naming maibabalik sa aming focus yung Legislative agenda namin lalu’t higit yung Code of Crimes na aming binabalangkas ngayon. Para sa akin, mas gumaan pa nga ang trabaho gawa nitong desisyon ng Korte Suprema”.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *