Desisyon ng Korte Suprema sa Sereno Quo Warranto case, posibleng ipalabas sa Hunyo

Inaasahang sa Hunyo ipapalabas ng Korte Suprema ang desisyon nito sa Quo Warranto petition ng Office of the Solicitor General laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Nakatakdang mag-recess ang kataas-taasang hukuman ng isang buwan pagkatapos ng Summer session nito sa Baguio City.

Magtatapos ang Summer session ng Supreme Court sa April 24.

Kahapon ay tinapos na ng Korte suprema ang Oral arguments sa Sereno Quo Warranto proceedings.

Binigyag ng mga mahistrado ang kampo ni Sereno at ng OSG para magsumite ng kani-kanilang memorandum sa kaso sa April 20.

Tiwala naman si Solicitor-General na matagumpay nilang naidepensa ang petisyon nila na mapawalang bisa ang appointment ni Sereno dahil sa isyu ng integridad.

 

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *