Desisyon ng SC sa isyu ng Martial Law, posibleng ilabas na sa July 4
Itinakda ng Korte Suprema sa Hulyo a- kwatro sa kanilang regular en banc session ang botohan at paglalabas ng desisyon sa mga petisyon na humihiling na ibasura ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao.
Ito ay isang araw bago sumapit ang 30-day deadline sa July 5 para pagbotohan at desisyunan ang kaso.
Si Associate Justice Mariano del Castillo ang ponente o susulat ng desisyon kung mayroon bang sapat na factual basis o wala ang Proclamation 216 ni Pangulong Duterte.
Ang naturang en banc session ng mga mahistrado sa July 4 ang huli ni Associate Bienvenido Reyes bago sya magretiro sa July 6 kung saan sasapit sya sa ikapitumpong kaarawan.
Ulat ni: Moira Encina