Destabilisasyon laban sa Marcos Admin inalmahan sa Senado
Tinawag na siraulo ni Senador Ronald Dela Rosa ang mga umanoy nagbabalak ng destabilisasyon laban sa administrasyong Marcos
Ayon kay Dela Rosa, bilang retiradong Heneral ng PNP, hindi nya alam saan nanggaling ang impormasyon hinggil sa umanoy kudeta
Pero para sa Senador mahirap maglunsad ng anumang destabilisasyon lalo na kung ang may pakana ay mga umanoy retriradong Heneral ng sandatahang LAKAS
Aminado si Dela Rosa na may mga nasa aktibong serbisyo ang maaring nire-recruit pero mananatiling loyal ang mga ito sa kanilang kasalukuyang liderato.
Minalit ni Dela Rosa ang anumang hakbang ng pagpapatalsik laban sa Pangulo at tiniyak na wala silang makukuhang suporta.
Ang partidong Lakas CMD, hindi naman susuportahan ang anumang kudeta.
Ayon kay Senador Ramon Bong Revilla na Chairman partido, walang dahilan at naniniwala siyang hindi uusad ang anumang pinalulutang na ouster plot laban sa Pangulo.
Iginiit ni Revilla na hindi ito ang panahon para mag- away o magkawatak watak dahil sa dami ng mga problemang kinakaharap ng bansa tulad ng mataas na presyo ng bilihin.
Ayaw namang magkomento ng Senador kung may kinalaman sa destabilisasyon ang bangayan ngayon sa Liderato ng Kamara.
Apila niya sa mga kapwa mambabatas na tigilan muna ang bangayan at magkaisa.
Meanne Corvera