Detalye ng mga bibilhing anti COVID-19 vaccine kasama ang presyo handang isapubliko ng Malakanyang
Nangako ang Malakanyang na isasapubliko ang detalye ng bibilhing bakuna laban sa COVID 19.
Sinabi ni Presidental Spokesman Secretary Harry Roque sa ngayon ay hindi pa maisapubliko ang detalye ng pagbili ng anti COVID- 19 vaccine kasama ang presyo kung magkano ito mabibili sa mga manufacturer dahil on going pa ang negosasyon.
Ayon kay Roque ang negotiation process sa pagbili ng anti COVID 19 vaccine ay sakop ng tinatawang na Non Disclosure Agreement at Memorandum of Confidentiality sa pagitan ng pamahalaang Pilipinas , manufacturer at ng Executive Privilege sa ilalim ng government to government negotiation agreement.
Inihayag ni Roque sa sandaling maisara na ang negosasyon at mabayaran na ang bibilhing anti COVID 19 vaccine ay isasapubliko ito ng gobyerno.
Niliwanag ni Roque hindi tinatalikuran ng administrasyon ang karapatan ng publiko na malaman ang lahat ng transakyon ng gobyerno sa ilalim ng principle of transparency na ginagarantiyahan ng batas.
Vic Somintac