Detalye ng pagkukunan ng ekonomiya ng Bangsamoro government, ipinasusumite sa gobyerno

Inoobliga ni Senador Ralph Recto ang Malakanyang na isumite sa kongreso ang mga detalye ng pagkukunan ng ekonomiya ng bubuuing Bangsamoro government.

Ayon kay Recto, mahalaga ang financial feasibility para lumusot ang panukalang Bangsamoro basic law.

Kasama sa mga ipinadedetalye ng Senador ang National Revenue collections ng Autonomous region in Muslim Mindanao mula nang maitatag ito hanggang sa kasalukuyan at ang budget allocations at subsidies na idinaan sa iba’t- ibang ahensya ng gobyerno.

Sa pamamagitan kasi aniya nito malalaman kung sapat ba ang pondo para mapaunlad ang rehiyon.

Kailangan rin aniyang ipaliwanag ng pamahalaan ang formula na pinagbasehan sa paglalaan ng taunang block grants kung saan sa 2019 aabot ito ng 72 bilyong piso at kung ano anong mga proyekto ang paggagamitan ng pondo.

Senador Recto:
“The purpose is to find out if past allocations to ARMM were at levels sufficient to meet the imperatives of growth. Kasi kung historically lacking, then we are properly informed not to commit the same mistakes with the future Bangsamoro government”.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

===  end  ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *